Naglabas ng saloobin si Willie Revillame kaugnay sa napapabalitang pansamantalang pagsasara ng Advanced Media Broadcasting System o AMBS gayundin ng mga programa nito sa ALLTV.
Nalaman ng Trending Bytes na sa episode ng Wowowin noong Pebrero 4, binalikan muna ni Willie ang mga nagagawa ng programang mawawala tulad na lamang ng mga naibibigay na tulong at saya ng sarili niyang programa.
Subalit ang masaklap umano sa nangyayari, tila marami ang natutuwa at nagagawang batikusin pa ang pagsasara ng naturang network.
"Tapos madidinig niyo lang na mawawala, hihinto, natutuwa kayo? Matutuwa ba kayo na may mga kababayan tayong natutulungan mawawalan?"
"Dapat nga, ipinagdadasal niyo kami na magtuluy-tuloy yung programa... Ang dami ninyong sinasabi, Buti nga sa inyo ang yabang-yabang niyo kasi!" ani Willie ukol sa mga nababasa niyang komento ng netizens.
"Anong ipinagyabang namin? Hindi ko ipinagyayabang itong ginawa namin na to. Sinasabi ko lang sa inyo itong programang ito it’s not about me, It’s about the program Wowowin," aniya.
Nilinaw din niyang wala umano siyang balak na pasukin ang pulitika lalo na at tila nalalapit na muli ang eleksyon sa 2025.
"Eh parang natutuwa pa kayo na mawawala 'yung mga programa na nagbibigay ng saya at tulong!" Sana hindi gano'n. Ako naman willing tumulong dahil sa sobrang blessed namin," ayon pa kay 'Kuya Wil'
Narito ang kabuuan ng kanyang naging pahayag mula sa YouTube channel niyang Wowowin:
0 Comments