Ibinahagi ng aktres-host na si Dianne Medina ang kanyang pagkagulat matapos niyang ikumpara ang tuition fee ng anak na umabot sa ₱170,000 para sa Nursery 2. Sa isang Instagram post, ikinuwento ni Dianne ang kanyang karanasan nang makita niya ang resibo ng kanyang kindergarten tuition noong 1991 habang naglilinis sila ng kanilang lumang bahay.
"Grabe, yung tuition ko noon—May 7, 1991, kinder, Holy Spirit QC—P2,125.50 lang," saad ni Dianne habang ipinakita ang nasabing resibo.
Inihayag ni Dianne ang reaksiyon niya sa mabilis na pagtaas ng bayarin sa pag-aaral sa paglipas ng panahon. "Ngayon, fast forward, umabot ng ₱170K ang tuition ni Joaquin para sa Nursery 2. Grabe hahaha!" dagdag pa niya, sabay tawa.
Ang pagbabahagi ni Dianne ng kanilang karanasan ay mabilis na nag-viral, at maraming netizens ang nagkomento na pareho rin ang kanilang reaksyon sa tumataas na gastos ng edukasyon.
0 Comments