Willie Revillame, sinagot bakit nagdesisyong tumakbo bilang senador



Sinagot ni Willie Revillame ang tanong ng marami kung bakit siya naghain ng kanyang kandidatura sa pagka-senador ng bansa.


Sa programang The Big Story ng One PH, narinig sa unang pagkakataon ang dahilan ni Willie sa tila biglaan nitong desisyon.


"Kasi doon sa studio ng Wil to Win, it's only about 600 people every day. So ang natutulungan mo, hindi mo natutulungan lahat yung 600 na yun. So 'yung budget mo sa tulong, limited. And then nakita ko 'yung awayan nang awayan sa congress, awayan nang awayan sa senado, sabi ko kawawa ang mga Pilipino. Ito yung mga taong binoto, ito yung mga taong pinagkakatiwalaan. Pero nakakalimutan yung mga kawawang kababayan natin. So I thought, baka makatulong ako kahit papaano. At siguro makikipag-away ako sa senado para sa mahirap."


Matatandaang matagal na umanong may mga lumalapit kay Willie upang pasukin ang mundo ng pulitika subalit tumatanggi ito noon.


"I'll be honest, napaiyak pa ako. Paurong na ako e pero may mga kumausap sa'kin syempre ito na yung chance. Ikaw ba gusto mong tumulong sa mga mahihirap, Half-hearted pa rin ako e."


Gayunpaman, nabanggit din ni Kuya Wil na maari pang pwedeng mangyari. Ang nais lamang niya umano ay ang patuloy na makatulong ngunit sa pagkakataong ito, sa mas maraming mga Pilipino.


Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag:


Post a Comment

0 Comments