Na-dismiss na umano ang security guard sa viral video nito kung saan makikitang itinataboy niya 'di umano ang isang estudyanteng naglalako ng sampaguita.
Sa inilabas na official statement ng SM Megamall sa kumakalat na video, sinabing kinokondena nila ang nagawa sa dalagita.
"As SM Supermalls always promotes inclusivity for all, we strongly condemn this act committed against her."
Siniguro rin umano ng SM na hindi na makakapagbigay serbisyo ang sekyu sa anumang SM malls.
"We have called the attention of the security agency to conduct an immediate and thorough investigation. The Security Guard has been dismissed and will no longer be allowed to service any of our malls."
0 Comments