Chloe San Jose, ibinida ang love letter ni Caloy para sa kanya



Sa pagdiriwang ng kanilang ika-52 na buwan bilang magkasintahan, ibinida ni Chloe San Jose ang natanggap niyang bulaklak at isang matamis na love letter mula sa kanyang nobyo na si Carlos Yulo. Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Chloe ang larawan ng mga bulaklak at ang sulat mula kay Carlos, kung saan mababasa ang taos-pusong pasasalamat ng kilalang gymnast sa kanyang nobya.


Dagdag pa niya, excited na siyang maging isang ama at asawa kay Chloe, habang patuloy niyang inaabot ang kanyang mga pangarap. Tila patunay ang mensaheng ito ng mas matatag na relasyon ng dalawa, sa kabila ng mga pagsubok na kinakaharap nila.


Umani ng mga pagbati mula sa kanilang mga tagahanga ang post ni Chloe. Isang komento ang nagsabing, "Wow, 52 months and counting! More monthsaries and anniversaries to come! 🙏 Always stay in love, lovebirds!" Isa namang netizen ang nagpayo sa magkasintahan na huwag pansinin ang mga negatibong tao: "Happy Monthsary, Carlos Edriel Yulo at Chloe Anjeleigh San Jose! Stay strong, never mind the negativity and toxicity. Just focus on your goal and always make G.O.D. as the center of your relationship."


Hinikayat din sila ng ilang tagasuporta na magplano na bilang isang pamilya. "Ayanaaa na, mag-plan as a family na din kayo! Happy for you both! Don’t mind the bashers, let them bark! Wala namang naiaambag sa buhay ninyo iyon! Always remember, people who ain’t happy in others' success are miserable in real life…"



Sa gitna ng kanilang tagumpay sa kanilang mga personal at propesyonal na buhay, tila mas lalo pang tumitibay ang pagmamahalan nina Chloe at Carlos.


Post a Comment

0 Comments