Angelica Yulo, Ibinida ang anak na Gymnastics Coach at national judge



Ibinahagi ni Angelica Yulo, ina ng kilalang 2-time Olympic Gold Medalist na si Carlos Yulo, ang kanyang pagmamalaki sa panganay na anak na babae na si Jorielgel Yulo. Sa isang social media post, ipinagmalaki ni Angelica ang mga tagumpay ni Jorielgel sa larangan ng gymnastics, mula sa pagiging atleta hanggang sa pagiging respetadong coach at national judge.


"From a gymnast in elementary and highschool, N.U Pep Squad in college, to a respectable coach of Club Gymnastica Makati and a national judge too (top 1)," ani Angelica sa kanyang post. Ipinahayag din niya ang kanyang kasiyahan sa pagiging matagumpay ng kanyang anak bilang coach at judge, at ang pag-asa niyang dumami pa ang mga estudyanteng tinutulungan ni Jorielgel sa gymnastics.



Maraming netizen ang nagpahayag ng kanilang paghanga sa pamilya Yulo, lalo na sa mga kontribusyon ng mga magkakapatid sa sports. Ang Yulo family ay patuloy na nagbibigay ng inspirasyon sa larangan ng gymnastics sa bansa, at ang pagkilala kay Jorielgel bilang coach ay nagpapakita ng kanilang dedikasyon sa pagpapalakas ng talento ng mga batang Pilipino.


Post a Comment

0 Comments