Jackie Forster, nag-react sa 'special reveal' post nina Kobe Paras at Kyline Alcantara



Maraming netizens ang na-excite at na-curious sa pinakabagong post nina Kobe Paras at Kyline Alcantara, kung saan nagbahagi sila ng larawan na may kaugnayan sa kanilang special announcement na ilalabas ngayong ika-25 ng Setyembre. Bagama’t wala pang malinaw na detalye tungkol sa anunsiyo, agad na umani ito ng iba’t ibang reaksyon mula sa kanilang mga tagahanga.


Kasama sa mga nagbigay ng komento ay ang ina ni Kobe, si Jackie Forster, pati na rin ang kanyang kapatid na si Andre Paras. Marami ang nagtaka at mas lalong nasabik sa posibilidad na may malalim na kahulugan ang kanilang ibubunyag.




Sa kabila ng ilang ulit nang namataang sweet sina Kobe at Kyline, hindi pa rin sila nagbibigay ng opisyal na pag-amin kaugnay sa tunay na estado ng kanilang relasyon. Patuloy namang sinusubaybayan ng publiko ang susunod na kabanata sa kuwento ng rumored couple.


Post a Comment

0 Comments