Lalaki, pinatay ng limang kaibigan; bangkay ng biktima itinapon sa septic tank



Mistulang isang bangungot ang sinapit ng isang lalaki matapos itong pagtulungan ng limang indibidwal namismong mga kaibigan nya. Ang biktima ay sinakal at sinaksak gamit ang isang screwdriver.


Sa ulat ng "24 Oras" sa GMA News nitong Miyerkules, iniulat ni Emil Sumangil na apat sa limang suspek ay nahuli na ng mga awtoridad. Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, matapos patayin ang biktima, ibinalot siya sa kumot at inihulog sa isang poso-negró na sinemento pa ng mga salarin.


Ayon kay Police Captain Jazon Lovendino, hepe ng Pasig Police, ang motibo sa karumal-dumal na krimen ay ang selos. "Ito pong sumakal, siya ang karelasyon ngayon ng ex-girlfriend ng biktima. Nagseselos siya dahil gusto ng biktima na makipagbalikan sa kaniyang dating kasintahan," aniya.


Dagdag pa niya, "Binalot ang biktima sa kumot, hinukay ang poso-negró, at doon siya inihulog bago sinemento ng mga suspek."


Nadiskubre ang kinaroroonan ng katawan ng biktima sa tulong ng isang impormante. Lumabas sa imbestigasyon na pinaghihinalaan ng mga suspek na nagsusuplong ang biktima sa mga pulis kaugnay ng kanilang ilegal na gawain.


Post a Comment

0 Comments