Nanay ni 'Sampaguita girl,' umaming sinusuot ang lumang uniform ng anak niya pag nagtitinda



Inamin ng ina ng nag-viral na si "Sampaguita Girl" na ginagamit ng kanyang anak ang luma nitong high school uniform kapag ito'y nagtitinda ng sampaguita. Sa isang panayam sa DZXL News, sinabi ng ina na ginagawa ito ng kanyang anak upang magmukhang mas kaaya-aya sa mga bumibili, sa pag-asang mas marami silang maibenta.


“Ginagawa niya 'yan para kumita nang mas malaki at makatulong sa pag-aaral niya,” pahayag ng ina. Sumang-ayon din siya nang sabihin ng isa sa mga nag-interview na ang anak niya ay nagsusumikap upang makaahon sila sa kahirapan.


Ayon pa sa ina, matagal na nilang ikinabubuhay ang pagtitinda ng sampaguita. “Simula pa noong maliliit sila, ‘yan na ang hanapbuhay namin. Ang mga anak ko, kumikita ng mula P1,000 hanggang P1,500 sa isang araw sa pagtitinda,” dagdag pa niya.


Patuloy na umaasa ang pamilya na balang araw ay magbubunga ang pagsisikap ng kanyang mga anak upang makapagtapos sila ng pag-aaral at magkaroon ng mas maayos na kinabukasan.


Post a Comment

0 Comments